Isinulat ni Maggie Dimaano.
Pinipilit ako ng aking Josefina na tumakas sa pagkakapiit ko sa Dapitan.
"Kahit isang araw ng bakasiyon lang, Mahal ko," wika niya.
Pupunta daw kami sa Hong Kong upang mamili daw ng kaniyang mga kagustuhan, at kung aking mamarapatin ay pati daw ang aking gugustuhin ay kaniyang bibilhin. Matapos ay maglalayag kami papuntang Europa upang maghapunan, dumalo sa isang sayawan, at mag... magkasiyahan.
"Ngunit, kailangan kong makauwi bago mag-alas dose, sapagkat kailangan kong tustusan ang pangangailangan ng aking ama," nagugunita kong wika niya.
O ang aking Josefina ay parang munting Cinderella sa pagbigay ng kaniyang mga kundisyon. O kay sarap nga namang makasama ang aking giliw sa isang araw na ito.
Ngunit, ngunit...
Mahal ko rin ang aking bayan. Mahal na mahal. Hindi ko kailanmang gugustuhing suwayin ang aking bayan. Hindi ko kailanmang gugustuhing balewalain ang mga paratang ng aking bayan. Kaya't... Kaya't kailangan ko siyang tanggihan.
O giliw ko, patawarin mo ako. Isang pangako lamang ang aking maaaring maihandog para sa'yo...
Pagkatapos ng aking pagkakapiit, at maging ganap malaya na sa kasalanang hindi naman talaga isang kasalanan - ang pagmamahal ba sa sariling bayat at ipahiwatig ang mga katotohanang nangyayari sa baya'y isang kasalanan?
Iniisip kong isang umaga'y iimbitahan ko ang aking Josefina sa aking tahanan. Kung maaari'y paghahandaan ko siya ng isang masarap na umagahan, lalo na't nakahain din ang kaniyang mga paboritiong prutahe, na kung aki'y kakayani'y ako mismo ang magluluto.
Matapos ng umagaha'y paghahandugan ko siya ng isang awitin, at bibigyang surpresa sa pag-alok sa kaniya ng aming kasal Oo! Tiyak na tiyak matutuwa ang aking Josefina! Kahit pa'y tanggihan o parusahan pa kami ng mga pari, aki'y ipagpapatuloy! Walang makapipigil sa aming pagmamahalan!
Matapos ay maglalayag kami patungong Hong Kong upang ihatid ang kaniyang amain. Hindi maaaring malaman ng kaniyang amain ang tungkol sa aming kasal! Tiyak na magagalit at ilalayo kami sa isa't isa. Hindi ako makapapayag.
Matapos ay maglalayag kaming dalawa patungong Alemaniya. Iikot ko siya sa buong Alemaniya, at tiyak na matutuwa siya. Lalo pa't napakaganda ng mga tanawin doon!
Tutuloy kami ng Paris upang mamahinga at mag... magpahinga, at mag... magpakasaya, na nararapat lamang sapagkat kami'y aming nasa pulotgata. Sana'y mabuo ang aming pagmamahalan.
Dadalhin ko rin siya sa Italia. Kami ay tatanaw ng mga butuin sa kalawakan sa damuhan, habang pinaghahadungan ko siya ng aking mga tula. Alam ko'y gugustuhin niya talaga iyon. Lalo pa't nakikiliti ng aking hininga ang kaniya kalamanan. Malay nati'y bigla kaming makatanaw ng mga bulalakaw... haaay, kay sarap. Lalo pa't maging malay din nati'y doon na kami mismo sa damuhan mag... magpaka... magpakasaya...
TOK! TOK! TOK!
"Jose! Jose! Mahal ko!"
Naputol ang aking pagplano sa mga tambol at katok sa aking pintuan. Pumasok si Josefina, umiiyak...
"Jose! Jose!" sa kaniyang paghahagulgol.
"Bakit ka umiiyak, Mahal ko?"
"Iuuwi ako ni Papa sa Maynila. Nalaman niya ang balak nating magpakasal! Oh Jose! Magkakahiwalay tayo!"
Natigil ang aking mundo, na parang pumasan sa akin ang paghahagipit, pagmamalabis, at kahirapan ng aking bayan!
Ang aking pangako'y bigla na lamang naglaho...
Tuesday, May 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment