Wednesday, May 20, 2009

Ka Andres lalake ako!! Lalake!

Habang nagpapalipas ako ng oras sa harap ng isang lawa na animoy isang mineral water sa linaw, napaisip ako na mayron pa rin palang mga lugar kung saan makakaisip ka ng walang gumagambala sa iyo tulad na lamang ng ginagawa ko ngayon. Oo, ako ay nag-iisip. Tinatanong ko ng paulit-ulit ang aking sarili ng sandamak na mga katanungan. Tinatanong ko ang aking sarili bakit ganito ang style ng buhok ko, bakit ganito ako manamit, bakit mas magaling ako sa spanish kaysa sa ingles, bakit ang liit ko. bakit ang daming babaeng nagkakandarapa sakin, bakit ganito ang mukha ko at higit sa lahat bakit ako isip ng isip. pero hindi iyon ang pinakamatindi sa lahat, ang pinakamatinding katanungan sa lahat ay kung isa ba akong repormista o rebolusyonista. Nakasulat na ako ng isang libro tungkol doon ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masagot. Napakaraming mga katanungang gumagambala sa aking isipin kaya naman hindi ko napansin na may anino na palang papalapit kung saan ako nag-iisip.

Kinikilatis ko ang taong nasa aking harapan, lumipas ang ilang minuto na wala sa amin ang nagsasalita ngunit hindi ko pa rin siya mamukhaan. Napansin na rin niya sa wakas kaya naman nagpakilala na rin siya sa akin.

"Magandang umaga binata, mukhang nakalimutan niyo na kung sino ako. Hayaan niyo akong magpakilalang muli. Ako si Andres Bonifacio, Ka Andres for short"

"Aaaahhhhh hmmmmm aaaahhhh hmmmmmm ahh huh?"

"Pinuno ng mga taong handang lumaban para sa kalayaan nating mga Pilipino?"

"ah tama, aking naalala na kung sino ang taong nasa aking harapan ngayon na gumambala sa pagmumuni-muni. Ano ang sadya at dito mo pa ako napiling kausapin?"

"aking nabasa nobelang napakaganda. Aking naisip, ang gumawa nito marahil ay mayroong pagnanasang makaalpas sa mga pagmamalupit ng mga Kastila"

"Ano ang iyong pinupunto?"

"Sumali ka sa aming samahan ng tayo ay maging malaya"

"kung iyo ngang nabasa ang aking nobela, dapat iyong napagtanto na maski sa sarili ko ay hindi ko masagot iyang katanungan mo. In short, i'm a confused man, man. I don't even know who or what I really am. you get it right?"

"tol, isa lang ang masasabi ko, ANG BAKLA MO! umayos ka ah! akala ko pa naman matino kang tao, ilustrado ka pa man din. sana sa aking pagbalik ay alam mo na kung ano o sino ka talaga. pucha sinayang mo oras ko"

At natapos din agad ang aming pag-uusap. nadagdagan pa tuloy ang mga katanungan sa aking isipan. Bakla ba ako? hindi naman di ba? Gosh

inilathala ni: Ellie Japzon

No comments:

Post a Comment