Wednesday, April 29, 2009

Romeo.. Romeo.. Where art thou Romeo?

Ang pangit.

Parang... pakiramdam ko... hindi na naging Romeo and Juliet ang dapat na maging titolo ng dula kung hindi "Romeo and Julio".

Ang pangit nga lang talaga pakinggan dahil ako ang napagandang si Juliet. Ayos ba? Hindi ko nga lamang maintindihan, bakit nga ba ako ang ginawang si Juliet? Ako ba ang pinaka mukang babae sa aming lahat? Bakit hindi nalang si Del Pilar? O si Ponce? Dahil ba may bigote sila at ako wala? Napakasama nga naman talaga.

Hindi naman ako ganun ka mukang babae diba? O mukha nga ba talaga? :|

Oo! Ginusto ko na maging bida ako pero hindi ko inakala na magiging babaeng bida ako. OO sa mga original na mga dula ni William ay mga lalaki talaga ang mga tauhan pero hindi ba modernong mundo na ang tinitirahan natin ngayon? hindi na pwede nalang ako maging si Romeo? Gwapo naman ako. At ang maging si Juliet ko ay isang tila napakagandang babae na ang balat ay kasing kinis ni Marian Rivera. "O! she doth teach the torches to burn bright" Nanghihina ako pagnakikita ko siya. Natutuwa ang pagkalalaki ko at gusto ko lamang siya makasama ng magisa lamang kami. Bakit hindi nalang xa ang ginawang Juliet? nakakainis naman eh. Tapos ang pangit pangit pa ni Romeo. dapat talaga ako nalang si Romeo. Bwisit.

Hindi bale. Ayos lang to. Sana lang hindi ako matuluyan sa ginagawa kong ito. Kadiri kaya. Isipin mo ako na sinasabi "Romeo, Romeo... Where art thou Romeo?!. Nandidiri talaga ako. Tumataas ang balahibo ko at bumabaluktot ang pagkalalaki ko. Kadiri talaga.

Sana lang hindi matuloy ang kissing scene na dapat mangyari. Pwede bang may dobol nalang? Ayaw ko ng ganun. Mahirap na. Paano kung magkagusto sakin si Romeo sa totoong buhay? Sana naman wag. Diyos ko tulungan niyo ako. Pero ganito, papayag ako sa isang halik kung ibibigay niyo sakin si Marian Rivera o si Angel Locsin. Magkaiba man kami ng mundo pero sila ang sinisigaw ng puso at pagkalalaki ko. Sila lamang wala nang iba.

Naririnig ko na ang napakatamis na boses nila "Rizal.. Rizal. Where are thou Rizal..." Ahhhhhhh.... Kung sana nga maging totoo... Kay ganda ng buhay.

Pero hindi ganyan ang kwento ni Romeo at Juliet. Eto ay isang kwento na puno ng pagmamahal pero paghihirap at sakit. Bagay nga naman pala sakin si Juliet. Ako ay isang certified "Emo". Kakayanin ko to. Ako si Juliet. Ako ay maganda. Ako ay magaling. Ako ay isang tunay na lalaki dahil hindi ako takot na gampanan ang isang posisyon na pambabae. Isa akong tunay na bayani. Mahuhulog ang loob sakin ng mga manonood dahil sa galing ko. Ako ang magiging pinakamagaling na Juliet sa buong mundo. Makikilala ako at ang aking reform movement at balang araw gagawa kami ng sarili naming mga dula at iikot kami sa buong mundo para maipakita ito sa ibang tao.

Magaling. Magaling. Nakikita ko na ang magandang buhas at ang mga naghihintay sakin. Dapat na ako magpractice magautograph. Sisikat na ako. Sana lang wag makielam tong mga bwisit na kastila. Mga seloso kasi. Hindi nila gusto na may pinoy na masmagaling sa kanila. Bahala sila. Ayaw nila maging Juliet... edi manigas sila. Kakayanin ko to.

Sige na mga kaibigan. Mageensayo na ulit kami. dapat galingan namin. Manood kayo ha! Mahal ko kayo lahat :P *wink wink!

"OH never was a story of more woe
Than this of Juliet and her Romeo."

No comments:

Post a Comment