Grabe naman talaga ang buhay O..!!!
Bakit ganoon? Dahil aktibista si Kuya Paciano at may kaugnayan siya kay Padre Burgos na isang martyr na pare nareject kaagad ang aplikasyon ko para pag mag-aral sa maynila. Dahil pa Mercado rin ako ibigsabihin wala kaming pinag-iba sa isa’t-isa? Aba ay hindi naman ata tama yan. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Kailangan ko gawin ang kailangan kong gawin para makapag-aral ako.
Alam ko ang aking potensyal. Malayo ang mararating ko. Kailangan kong gawin ang pinayo saking ni Kuya. Dapat kong palitan ang aking pangngalan. Ano kaya ang magiging bago kong pangngalan?
Ang ganda nanaman kasi ng pangngalan ko eh; José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Pero hangga’t isa akong Mercado at Realonda, hindi ako mattangap. Ano kaya ang magandang apelyido? Melonda? Recado? Menudo? Recado? Rotunda? Merienda? Grabe. Nakakapagod naman magisip. Ayaw ko magisip. Para gusto ko nalang mabuhay ng walang apelyido.
HALA! Teka. Maganda ideya yan. Hindi na ako magiging si JOSE RIZAL MERCADO Y REALONDA. “Hindi pinapansin ng aking pamilya ang aming ikalwang apelyidong Rizal, ngunit ngayon'y kailangang kong gamitin ito, kaya't lumalabas na ako'y parang isang anak sa labas!” Makikila nalang ako bilang si Jose Protasio Rizal. Wow. Ang angas ng panggalan ko. Pero pasensya na itay at inay. Kailangan ko ito gawin para lamang sa kinabukasan ko at sa kinabukasan nating lahat. Si kuya kasi eh. Pasaway. Pati tuloy ako nadamay. Tigas naman ng tae ni Paciano. GRRRRRR.
Pero di bale. Kaya ko to. Ang inay ko aking unang guro. Marami akong natutunan sa kanya. Ng mag-siyam na taon naman ako si Justiano Aquino Cruz ang nag-turo sakin ng aking mga alam ko ngayon at siya rin ang nakakita ng aking potensyal. Siya nga nagpayo sa mga magulang ko na mag-aral nalang ako sa Maynila eh. Marami kayang magandang babae sa Maynila? Sana naman. Kating kati na ang ano ko. GAAAAH. Pero sa susunod na iyon, dapat ko muna isipin pag-aaral ko.
Dapat kong galingan. Ano kaya ang kurso na babagay sakin? Panggagamot? Manghihilot? Magsasaka? Pilosopiya? Ang daaaaamiii…!!! Ano kaya ang babagay sakin? Ano kaya ang astigin na maging trabaho paglaki ko?
Hrmmmmmm…
AHHH!!! Alam ko na!
Dahil magaling naman ako mag-aaral ako ng agham at pagsasaka sa Ateneo Municipal de Manila at mag-aaral ako ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Ayos un! Bilang araw tatawagin akong “The Philosophical Land surveyor farmer” at makikilala ako bilang isang magaling na manunulat. GRABEEEE!!! Excited na ako! WOOOOOO! Ayan. Ayan na ang plano ko. Sa Ateneo at Santo Tomas ako mag-aaral at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging pinakamagaling tapos pagkaya ko na… pupunta ako sa ibang bansa at mag-aaral. Kaya ko to. Kayang kayak o to.
No comments:
Post a Comment